Small steps..
RSS
Things I Like (+)

Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit parang wala lang sa akin na graduate na kami. Hindi ko pa namimiss yung mga classmates ko lalo na yung mga friends ko. Yung ime na medyo malayo pa, yung may mga oras pa kami na magkakasama, ramdam ko na magkakahiwalay na kami pero ngayon… parang bakasyon lang. Next School Year magkakaklase pa rin kami. Yung mga bagay na mamimiss ko magagawa pa namin. Lahat ng dapat ipagpasalamat pakiramdam ko hindi ko pa nasasabi pero parang may time pa para sabihin yun kaya pwede sa susunod na lang. Hindi pa rin ako umiiyak hanggang ngayon hindi dahil wala lang sila sa buhay ko pero parang napapaniwala o ang sarili ko na kahit graduate na, wala na, tapos na… ganun pa rin. Tulad pa rin ng dati kaya wala dapat akong ikabahala.

Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon pero siguro maganda na rin ito kasi iba talaga ako kapag may namimiss. Parang akala mo mamamatay na… Pero ayoko rin kasi hindi ko masabi sa kanila yung dapat kong sabihin para wala akong pagsisisihan. Kapag magkakahiwalay na kami hindi ko na ito masasabi. Hindi ko natalaga alam.

Masaya ako na nakasama ko sila. Masaya ako na binago nila ako ng sobra. Masaya ako na nasanay ako ng nandyan sila lagi sa tabi ko. Pero…